Weiter zum Inhalt

AGARANG TULONG PINANSYAL SA MGA BIKTIMA NG HATE VIOLENCE

AGARANG TULONG PINANSYAL SA MGA BIKTIMA NG HATE VIOLENCE

Tungkol sa amin

Sa Berlin halos araw-araw nakalantad sa hate violence ang mga tao, mga inisyatibo o mga institusyon. Sa Soforthilfefonds (Pondo para sa agarang tulong) nag-aalok ng suporta ng pakikipagkaisa ang Amadeu Antonio Stiftung sa pamamagitan ng agarang tulong pinansyal sa mga biktima ng hate violence. Ang pondo ay sinusuportahan ng Unterstützungsfonds der Landeskommission Berlin gegen Gewalt (Pondong Pangsuporta ng Komisyon ng Estado ng Berlin laban sa Karahasan).

  • Pinansyal na suporta sa mga kaso ng hate violence at mga pagbabanta
  • Libreng konsultasyon sa pagsusumite ng aplikasyon
  • Kakampi: Nakikiisa kami sa mga biktima
  • Kumpidensyal: Ang mga impormasyon ay hindi ipinapamahagi sa iba o mga ikatlong partido
  • Malaya sa pagtatasa ng pulisya at hustisya

Video

Sie sehen gerade einen Platzhalterinhalt von YouTube. Um auf den eigentlichen Inhalt zuzugreifen, klicken Sie auf die Schaltfläche unten. Bitte beachten Sie, dass dabei Daten an Drittanbieter weitergegeben werden.

Mehr Informationen

Ang hate violence ay…

Mga pananakot, insulto, pisikal na pag-atake, pinsala sa ari-arian:

  • … udlok ng mga hindi makataong saloobin tulad  ng ableism (diskriminasyon laban sa mga may kapansanan), anti-feminism, anti-Semitism, poot sa Sint*ezza at Roma, racism, anti-LGBTI* sentiment, poot sa mga walang tirahan, atbp.
  • … nakadirekta laban sa pangako ng mga tao sa mga prinsipyo ng demokratiko at karapatang pantao.

Ang aming suporta

  • Agarang tulong pinansyal na hanggang 1000 Euro bawat indibidwal na kaso
  • Konsultasyon sa pagsusumite ng aplikasyon (telepono, online o nang personal at maaaring anonymous o hindi nagpapakilala kapag hiniling)
  • Maaaring mag-aplay ang mga indibidwal
  • Maaaring mag-aplay ang mga institusyon, partidong pampulitika, asosasyon o inisyatibo na nakabase sa Berlin. Ang aplikasyon ay isusumite ng isang indibidwal na nagtatrabaho sa kani-kanilang opisina nang opisyal o boluntaryo.

Para makatanggap ng pinansyal na suporta, magsumite ng aplikasyon. Ito ay maaaring isumite sa iba-ibang wika:

Saklaw ng mga gastos sa mga halimbawa 

  • Pag-aayos ng pinsala sa mga ari-arian
  • Medikal na paggamot
  • Sikolohikal na pag-aalaga
  • Legal na mga gastusin
  • Mga kursong pang-empowerment at pagtatanggol sa sarili
  • Mga hakbang para sa seguridad

Pag-abot sa amin 

Mangyaring makipag-ugnayan sa amin – sa pamamagitan ng E-Mail o telepono. Aayusin namin ang iyong appointment para sa konsultasyon at susuportahan ka sa mga susunod na proseso o hakbang. Ang konsultasyon ay maaaring sa telepono, online o nang personal sa aming silid pang-konsultasyon.

Telepono: +49 1514 2043648 I +49 1525 3087169

E-Mail: berlin-gegen-hassgewalt@amadeu-antonio-stiftung.de

Kami ay maaaring tawagan mula Lunes hanggang Huwebes mula 11am hanggang 4pm.

Pinondohan ng

Bleib informiert!

Melde dich jetzt zum Newsletter an und verpasse keine unserer nächsten Publikationen!

Schön, dass du dich für unsere Publikation interessierst! In unserem monatlichen Newsletter erhältst du spannende Einblicke in den Alltag demokratischer Zivilgesellschaft und in unsere Arbeit.
[contact-form-7 id="4f96a03" title="Newsletter"] Publikation bestellen Direkt zum PDF